Bating Pangwakas
(kay Marj)
Elynia Mabanglo
Sa bukang-liwayway ng iyong takipsilim,
Manatili sanang maalab
ang susuksok na araw,
Manatiling mainit ang dampi ng liwanag,
Sa gunita,
Sa puso,
Sa malayong anag-ag.
Lagi sanang masuyo
Ang agay-ay ng alaala
Sa baybayin ng bawat umaga.
At sa gabi,
Lagi sanang payapa
Ang paghimlay ng tuwa.