Katahimikan at Katarungan: Alay kay Kian

Carrie Tharan

Nasaan nga ba ang katahimikan?
Ano nga ba ang katarungan?
Aking naririnig lamang
Huni ng ibong naglalaro sa himpapawid
Unga ng baka, meh mehme ng kambing sagana sa luntiang damo.
Malamig na haplos.ng hanging habagat
Malumanay na bagsak ng ulan sa dahon ng saging, bunga’y malapit nang mahinog
Tahimik na dagat, animo’y kalsada sa.laut.

Ito ang katahimikan
Aking nakikita, nararamdaman, naririnig
Ngunit teka
Biglang sumabog na ang katahimikan

Bang, bang, bang
Tatlong bala
Lupapay na si Kian
May droga daw sa bulsa.

Huwag po, huwag po.
‘May test pa ako bukas.’

Sumabog na ang katahimikan.
Mga baka’t kambing tila.nababaliw
Mga asong walang tigil.ang ungol
Paikot, ikot, Takbo dito, takbo doon
Eto na mga uwak, handang sumunggab

Bumagsik ang hampas ng alon, walang humpay.

Kulog, kidlat. Kulog. Kidlat.

Palayain ang kaluluwa ni Kian.
Bigyan ng Katarungan!!